Mga Salitang Siyokoy


Mga Salitang Siyokoy

ni Paul Morrow

Inaakala ng marami na hindi nababagay ang wikang Filipino sa mga pangangailangan ng mga Filipino ngayon dahil anila'y kulang daw ito sa mga salitang kailangan sa pagtalakay ng malalalim na paksa tulad ng agham, pilosopiya, teknolohiya, sining at iba pa. Ang karamihan sa mga taong may ganitong palagay ay wikang Ingles ang ginamit sa pag-aaral. Bagama't ginagamit din nila ang wikang Filipino sa pang-araw-araw na usapan, kinakapos sila sa mga salitang Filipino na maaaring gamitin sa pagtalakay ng mga malalim na bagay. Mapapansin na sa halip na pagbutihin nila ang kanilang paggamit ng sariling wikang Filipino, sinisisi ng ilan ang naturang wika sa mga pagkakataon na hindi nila maisip ang mga salitang kailangan sa pananalita. Minsan sasabihin nilang, “Hindi masasabi ‘yon sa Filipino,” o “Masyadong malalim ‘yon. Hindi maiintindihan ng iba.” Tila mas madali sa kanila ang manghiram ng isang salitang Ingles na alam na nila sa halip na buklatin ang isang diksiyunaryong Filipino. At upang mapagtakpan nila ang kanilang katamaran, huhulaan na lamang nila ang isang salitang Espanyol na sa wari nila'y katumbas ng iniisip na salitang Ingles at sasabihin na lamang na ito’y bahagi ng wikang Filipino. “Accepted na ‘yan,” anila. Kadalasan ay umuubra ang ganitong estratehiya dahil magkakahawig ang maraming salitang Ingles at Espanyol sa kahulugan at baybay. Ngunit paminsan-minsan ay pumapalpak ang ganitong hula-hula at nabibisto tuloy ang kanilang pagkukunwari kapag ginagamit nila ang mga huwad na salita na hindi tunay na Espanyol at hindi rin naman Ingles.

Tulad ng halimaw ni Dr. Frankenstein sa kuwento, na kaniyang ginawa mula sa mga bahagi ng katawan ng iba’t ibang tao, ang mga naturang salita ay binubuo ng iba’t ibang wikang banyaga ngunit hindi naman kinikilala ang mga ito saanman sa daigdig. Mga salitang siyokoy ang tawag dito ng manunulat at makatang si Virgilio S. Almario, mula sa kathang isip na taong-dagat na anyong lalaki ang katawan na may kaliskis at tila isda ang ulo. Ang tawag dito sa Ingles ay merman o kung babae ay mermaid.

Si Almario ay isang manunulat na matagal nang nagsisikap upang payamanin at paunlarin ang wikang Filipino. Ipinaliwanag niya sa isang pagtitipon ng kaniyang mga pitak, Filipino ng mga Filipino, kung paano nagkakaroon ng mga salitang siyokoy:

Ang bokabularyong siyokoy. Mas malapit sa ating wika ang bigkas sa mga salitang Espanyol. Sa gayon, malimit na isa-Espanyol ng mga akademista ang mga hiram nila sa Ingles. Ngunit dito mas lumilitaw ang kanilang kabobuhan. Dahil hindi bihasa sa Espanyol, nakalilikha sila ng mga salitang siyokoy – hindi Ingles, hindi Espanyol (gaya ng “aspeto”… na hindi aspect ng Ingles at hindi rin aspecto ng Espanyol).

Vigilio S. Almario, Diyaryo Filipino, 1992
mula sa Filipino ng mga Filipino, 1993 p.30

Bilang isang mag-aaral ng wikang Filipino, tinitipon ko ang mga salitang siyokoy na maaaring ikahihiya ko kung aking gagamitin. Kasama rin sa talaang ito ang mga tamang salita sa Espanyol at Ingles at ang mga katumbas sa wikang Filipino.

 
Siyokoy Espanyol Ingles Filipino

adbenturero
aspeto
bentahe
boksingero
dayagramo
dayalektika
dayalekto
dayalogo
detalya
eksperyensado
endorso
groserya
gulpo
intrigero
kabisado
komprehensibo
konsernado

kontemporaryo
kritisismo
misyonaryo
musikero
obhektibo
panatisismo
parliyamento

pesante
prayoridad
prisonero
responsibilidad
seryoso

sirkumstansya
subhektibo
subheto

aventurero
aspecto
ventaja
boxeador
diagrama
dialectica
dialecto
dialogo
detalle
(experimentado)
endosar
(abacería, tienda)
golfo
intrigante
(memorizado)
comprensivo
(preocupado, inquieto)
contemporaneo
crítica
misionero
músico -a
objetivo
fanatismo
parlamento

(paisano)
prioridad
prisionero
responsabilidad
serio

circunstancia
subjetivo
sujeto

adventurer
aspect
(advantage)
boxer
diagram
dialectics
dialect
dialogue
detail
experienced
endorse
grocery
gulf
intriguer
memorized
comprehensive
concerned

contemporary
criticism
missionary
musician
objective
fanaticism
parliament

peasant
priority
prisoner
responsibility
serious

circumstance
subjective
subject

abenturéro; taong mapagsápalarán
aspekto; 1. mukhâ o panig ng isáng bagay 2. tanáw 3. lagáy
bentaha; lamáng
baksér, boksér
dayagram; krokis (Espanyol), bangháy
diyalektika
diyalekto; wikaín, wikŕ, salitâ
diyalogo; sálitaan, úsapan, pag-uusap
detalye
may káranasán, subók na
1. magtagubilin 2. lumagdâ 3. maglipat
tindahan (tienda+han)
1. malakíng loók 2. agwát
intrigante
1. isinaulo. 2. sanáy, hiratě
masakláw
nababahalŕ, nababalisŕ (kung konsernido ang ibig sabihin, ito ay "may kinalamán")
1. kapanahón 2. panahóng itó
kritika; pamumuná, panunurě
misyonéro
músiko, -a, mánunugtóg
obhetibo
panatísmo
parlamento, párliyamént (Ang bigkas sa Ingles ay karaniwang "parlament"); bátasan
magsasaká, magbubukíd
priyoridad, prayority; pagkauna, karapatáng máuná
bilanggô, bihag
1. ságutin, pananagutan 2. tungkulin, katungkulan
1. malubhâ 2. hindî nagbíbirô, tapát. 3. nag-iisip nang malalim
4. mahalagá
1.pangyayari 2.kalagayan, katayuan 3.pagkakátaón 4.halimbawŕ
subhetibo
suheto

  Paul Morrow
Paul Morrow
sarisari@mts.net

24 March 2003

Last updated: 15 June 2003

UWIAN    ITAAS

Ang larawan sa itaas ay galing sa isang karatula ng pelikulang Creature from the Black Lagoon (1954).