![]() Isang Aralin sa Pagsulat ng mga Sinaunang Filipinoni Paul Morrow Hindi mahirap ang sumulat ng baybayin ngunit may kahirapan ang pagbasa nito. May isang Kastilang manunulat noong panahon ng mga Espanyol na nagsabing "kung ano ang dali ng pagsulat ng baybayin ay siya namang hirap ng pagbasa nito." Ipapaliwanag natin ito mamaya. Pag-aralan muna natin kung paanong sumulat ng baybayin. Inaakala ng maraming tao na ang baybayin ay isang kakaibang alpabeto lamang at ang kailangang gawin ay matutuhan lamang na sumulat ng mga titik at saka gamitin ang mga ito gaya ng ginagawa natin sa alpabeto ngayon. Akala nila ay maaaring ipagpalit lamang ang bawat modernong titik ng isang titik ng baybayin. Subalit hindi puwede ito sa baybayin dahil may kaibahan ang baybayin sa mga alpabeto. Ang baybayin ay isang papantig, o syllabic na paraan ng pagsulat. Ang Bawat Titik ay Katumbas ng Isang PantigSa ating modernong alpabeto, ang bawat titik ay isang payak na tunog o phoneme na maaaring isang patinig (vowel) o isang katinig (consonant). Pinagsasama natin ang mga ito upang mabuo ang mga pantig (syllables). Ang mga pantig na ito ay pinagsasama upang mabuo ang mga salita. Subalit sa mga tinatawag na papantig na paraan ng pagsulat, tulad ng baybayin, ang bawat titik ay katumbas ng isang buong pantig. Ang pantig ay maaaring isang kumbinasyon ng ilang tunog o di kaya'y isang patinig lamang, ngunit karaniwang hindi maaaring maging isang katinig lamang. Ang bilang ng mga titik na baybayin sa anumang salita ay laging katumbas ng bilang ng mga pantig dito. Ang mga Titik ng BaybayinIto ang lahat ng titik sa "alpabetong" baybayin. Maaaring may iba't ibang anyo ang bawat titik ayon sa pagsulat ng bawat tao. (Tingnan ang Baybayin Styles.) Ang halimbawang ito ay aking sariling pagsasama ng iba't ibang lumang istilo. Ang mga titik ay nakahanay ayon sa dating abakada. (Tingnan ang sinaunang hanay ng mga titik sa unang sanaysay.) Ang mga KatinigAng bawat titik na katinig (consonant letter) ay isang pantig na
may kasamang patinig na a. Halimbawa, ang titik na
Narito ang ilan pang halimbawa: Ang KudlitAno kaya ang dapat nating gawin kung may isusulat tayo na may ibang patinig bukod sa a? Sa ibang mga palapantigan o syllabary, tulad ng Katakana o Hiragana ng Hapon, kailangang matuto ng marami pang ibang titik para sa lahat ng kumbinasyon ng mga katinig at patinig. Subalit ang baybayin ay hindi isang palapantigan lamang. Ang baybayin ay may mga katangian ng isang palapantigan at ng isang alpabeto rin. Ang tawag sa ganitong paraan ng pagsulat ay isang abugida. Gagamitin pa rin natin ang mga titik na katinig na nakahanay sa itaas at lalagyan natin ang mga ito ng isang pananda, na tinatawag na kudlit, upang mapalitan ang tunog ng nilalamang patinig na a. Ang kahulugan ng kudlit ay gurlis o galos at ito nga ang anyo ng kudlit noong unang panahon, noong inuukit pa ang baybayin sa kawayan. Ngayon, sumusulat na tayo sa pamamagitan ng bolpen at papel o computer kaya may iba't ibang hugis ang panandang kudlit. Karaniwang tuldok ito o maikling guhit, o minsan naman, ay may hugis ng letrang v o hugis ng ulo ng palaso >. Ang hugis ng kudlit ay walang kaugnayan sa pagbigkas ng isang titik; ang pagbigkas ay batay sa kinalalagyan ng kudlit. Kung ang kudlit ay nasa itaas ng titik, ang pagbigkas ay I o E. Ganito: Kung ang kudlit ay nasa ibaba, U o O ang dapat bigkasin. Ganito: Ang mga Titik na PatinigBagama't ang mga kudlit ay karaniwang ginagamit upang maipakita ang tunog ng mga patinig (vowels), mayroon din namang tatlong bukod-tanging titik na patinig: Madaling makita na kung may pantig na walang katinig, wala itong titik na malalagyan ng isang kudlit. Kaya, ang dapat gamitin ay isang titik na patinig. Ang mga titik na ito ay hindi nilalagyan ng anumang kudlit. Halimbawa:
![]() Tatlo lamang ang mga patinig dahil hindi binigyang pansin ang kaibahan ng bigkas sa I at E, at sa U at O sa maraming wika ng mga sinaunang Filipino bago nila hiniram ang mga salitang Kastila. Hanggang ngayon, mapagpapalit ang mga patinig na ito sa mga salita tulad ng lalaki/lalake, babae/kababaihan, uod/ood, puno/punung-kahoy, at oyaye/oyayi/uyayi (duyan o panghehele). Ang baybayin ay katulad ng alphabet na Ingles na may limang titik na patinig ngunit may iba't ibang bigkas ang bawat isa. (Tingnan ang unang sanaysay para sa karagdagang kaalaman tungkol dito.) Mga Huling KatinigNakita na natin na may mga bukod na titik para sa mga patinig na hindi sumusunod sa isang katinig, ngunit papaano ang mga katinig na hindi sinusundan ng isang patinig? Ito ang tinatawag na mga huling katinig ng pantig (syllable final consonants) at ito ang dahilan kung bakit mas mahirap basahin ang baybayin kaysa sulatin ito. Walang paraan upang maisulat ang mga huling katinig na ito. Halimbawa, sa isang salita tulad ng bundok hindi maaaring isulat ang mga titik na n at k dahil walang patinig ang mga ito at ang lahat ng katinig ng baybayin ay laging binibigkas nang may patinig. Kung isusulat natin ang n at k, ang bigkas sa salita ay magiging bu-na-do-ka. Kaya, hindi dapat isulat ang ganitong mga titik. Ang kailangan ay hulalan lamang ng mambabasa ang kahulugan at tamang bigkas ng isang salita batay sa paksa o pinag-uusapan ng sulatin. Ganito ang pagsulat sa bundok:
Heto ang ilan pang halimbawa: Mga Kakaibang KatinigHindi kakaiba ang mga titik na d at ng sa mga sinaunang Filipino subalit dapat suriin natin ang mga ito upang hindi tayo malilito. Ang Titik Para sa Da at Ra Isa lamang ang titik sa baybayin para sa d at r, ang Ang ibang mga wika sa Filipinas noong unang panahon ay may ibang pamamaraan
upang isulat ang tunog ng r. May gumamit ng titik na d/ra
( Ang Titik Para Sa Nga Sa kasalukuyang wikang Filipino, ang ng ay itinuturing na iisang
titik ngunit dalawang titik ang kailangan upang maisulat ito, ang n
at ang g. Sa baybayin, ang ng ay talagang iisang titik lamang,
ang
Mga BantasAng mga bantas (punctuation) sa baybayin ay isa o dalawang guhit na patayo lamang, ||, ayon sa kagustuhan ng manunulat. Ang paggamit sa guhit ay katulad ng isang kuwit (comma) o tuldok (period). Sa katotohanan, magagamit ito gaya ng anumang bantas na mayroon sa ating sulat ngayon. Ang karaniwang pagsulat ng mga sinaunang Filipino ay tuloy-tuloy at walang agwat-agwat sa pagitan ng mga salita. Paminsan-minsan ay pinaghiwalay nila ang isang salita sa pagitan ng dalawang guhit subalit kadalasan ay inilagay lamang nila ang mga guhit kahit saan nila gusto. Kaya ang mga pangungusap ay nahati-hati nang may iba't ibang bilang ng salita sa bawat bahagi. Ang Kastilang Kudlit +Inimbento ng isang prayleng Kastila na si Francisco Lopez ang isang bagong uri ng kudlit noong taong 1620 upang malutas ang suliranin sa pagsulat ng mga huling katinig. Hugis krus ang kaniyang kudlit at inilagay niya ito sa ibaba ng mga titik upang bawiin ang tunog ng patinig. Halimbawa:
![]() Hindi tinanggap ng mga Filipino noon ang paraan ni Lopez dahil nakasagabal lamang daw ito sa madaling pagsulat at hindi naman kasi sila nahirapan sa pagbasa sa dating paraan. Ngunit popular na ngayon ito sa mga taong natuklasan muli ang baybayin na hindi nakakaalam ng pinagmulan ng Kastilang kudlit. (Tingnan ang unang sanaysay tungkol dito.) Heto ang dalawang anyo ng isang awit. Sa kaliwa, ginamit ang kudlit ni Lopez (+) at pinaghiwalay ang mga salita upang madaling basahin. Sa kanan naman, makikita ang paraan ng pagsulat ng mga sinaunang Filipino.
![]() Mga BilangNoong panahon bago dumating ang mga Kastila, karaniwang ginamit ng mga sinaunang Filipino ang baybayin sa pagsulat ng mga tula lamang o di kaya'y maiikling mensahe sa isa't isa. Hindi nila iniangkop ang baybayin upang gamitin sa pangangalakal o mga kaalamang pang-agham kaya hindi ito nagkaroon ng mga pambilang. Ang mga bilang ay isinulat nang buo kagaya ng lahat ng ibang salita. May isang kasulatan na may mga bilang sa Baybayin Handwriting of the 1600s.Ang Pagsulat ng mga Salitang BanyagaMahirap talaga ang sumulat ng ilang salitang banyaga sa baybayin. Maraming tunog ay walang katumbas na titik sa baybayin at hindi maisulat ang mga katinig ng wikang Ingles kapag magkakadikit ang mga ito. Sa ganitong mga pagkakataon, ang kailangan ay baguhin ang mga salitang Ingles, o kung hindi, baguhin ang baybayin. Tinatalakay ang iba't ibang paraan upang maisulat ang mga salitang banyaga sa pahinang may pamagat na How do I write my name in baybayin? Maaaring subukin ang inyong natutuhan tungkol sa baybayin sa "online baybayin translator" ni Victor Quimson sa Ating Baybayin. Ano man ang ita-type ninyo sa programang ito ay ipapakita sa inyo sa sulat baybayin.
|